Yaman na pinagmamayari o kontrolado ng isang negosyo o isang pang-ekonomiyang nilalang.
Asymmetric cryptography
Isa sa mga sistemang kryptogropiya na ginagamit ng Bitcoin na kinasasangkutan/gumagamit ng sabay na private at public key.
Bad Actors
Mga nanggugulo; mga taong may masamang hangarin.
Bitcoin
Isang peer-to-peer at desentralisadong cryptocurrency na napapadala kahit saan at kahit kanino na walang tagapamagitan na kailangan.
Bitcoin Miner
Isang kompyuter kung saan tumatakbo ang Bitcoin client, galing na kahit na saang lugar, para tumulong magpatunay at magtala ng mga transaksyon na nagaganap sa blockchain.
Bitcoin Wallet
Aparato o programa ng kompyuter na ginagamit para mag imbak ng bitcoin.
Block
Isang pagtatala ng mga pinakabagong transaksyon sa network.
Blockchain
Isang digital ledger na nag-iimbak ng mga transaksyon na nangyayari sa Bitcoin network sa anyo ng mga bloke o “Block”.
Block reward
Ito ang natatanggap ng bitcoin miner para tamang pagmina ng isang bloke.
Borderless
(Walang Hangganan) Walang hangganan o limitasyon.
Centralized/ Centralization
(Sentralisado/Sentralisasyon) Ang pagkakaroon ng isang awtoridad o grupo na may kontrol, ang kasalungat ng desentralisado.
Cold Wallet
Isang uri ng crypto wallet na hindi konektado sa internet at madalas na kailangan ng pisikal na aparato para magamit ito.
Collision-resistant
(Hindi Nagbabanggaan) Kaanyuang naglalarawan kung saang mahirap makahanap ng dalawang input na maglalabas ng eksaktong output.
Consensus system
(Mekanismong kasunduan) Proseso kung paano makaabot ng kasunduan ang iba’t ibang mga kompyuter.
Consistent
(Hindi Nagbabago) Ang paggawa ng isang bagay na parehong paraan habang panahon. Pwede ring kaanyuang naglalarawan kung saan ang output ay palaging nakapirimi ang haba.
Cost
(Gastos/Halaga) Ang halaga ng pera na ginagamit para makagawa ng isang produkto o serbisyo.
Counterfeit
(Peke) Ang paggawa ng isang pekeng imitasyon ng isang tunay na bagay.
Crypto
Pagpapaikli ng “cryptocurrency”.
Cryptocurrency
Isang uri ng digital currency na base sa cryptography, peer-to-peer, at madalas ay desentralisado.
Cryptographic
Pang-uring bersyon ng “cryptography”.
Cryptography
Ang praktis ng mga pamamaraang paggamit ng mga konseptong matematika para protektahan ang impormasyon at komunikasyon sa harap ng mga masasamang tao.
Currency
(Pera) Daluyan ng pagpalitan.
D-F
Decentralized/ Decentralization
(Desentralisado/ Desentralisasyon) Ang kaanyuang hindi kontrolado ng isang nilalang, kasalungat ng sentralisado.
Decrypt
Ang pagbabalik sa dating anyo ng hindi nakikilalang data na in-encrypt.
Demand
Ang pagkagusto at pagkatanggap/pagpayag ng mamimili para bumili ng mga produkto o serbisyo.
Denominations
(Denominasyon) Mga yunit ng klasipikasyon para sa nakasaad o ibabaw na halaga.
Derive / Derived
(Kinuha) Ang aksiyon na pagakabase ng isang bagay mula sa ibang bagay.
Deterministic
(Deterministiko) Ang kaanyuan kung saan laging pareho ang resulta mula sa mga tiyak na input.
Digital Signatures
Mga “electronic fingerprint” para mapatunayan na totoo/wasto ang mga dokumentong digital.
Durable
(Katibayan/Tibay) Nagagamit ng paulit-ulit habang panahon.
Efficient
(Bisa) Pagkamit ng pinakamataas na produktibidad na may pinakamababang nasayang na pagsisikap o gastos.
Encrypt
Pagbago ng isang mensahe sa isang hindi makilalang anyo ng data.
Ethereum
Isa pang desentralisadong, open source na blockchain na may smart contract functionality na ibang network sa Bitcoin.
European Dollar (EUR)
Opisyal na pera ng European Union.
Exponentially
(Exponensyal) Matindi; Sobrang bilis ng pagbabago.
Function
Isang pagpapahayag na tumutukoy sa relasyon sa ng dalawang grupo ng mga elemento.
G-I
Genesis block
Ang pinakaunang bloke na ginawa sa blockchain ng Bitcoin.
Global Financial Crisis
Ang krisis na pinansyal noong 2007-2008, na itinuturing na pangalawang pinakamalubhang sakunang ekonomiya kasunod ng Great Depression. Ang mga institusyong pampinansyal at mga mamamayan ng US ay nagkaroon ng malaking pagkalugi at na-bankrupt.
Hack
Hindi legal na pag-access ng isang sistema o network.
Hardware
Kasangkapan, makinarya, o iba pang na matibay na kagamitan tulad ng mga kompyuter.
Hash
Isang cryptographic function na ginagamit para protektahan ang blockchain, na kung saan kahit an anong haba ng data na ipasok ay iko-kompute na gamit ang matematika at maglalabas ng nakapirming haba na data.
Halving/Bitcoin Halving
Ito ang proseso kung saan ang mga block reward na natatanggap ng mga miner ay hinahati sa dalawa (2). Nangyayari ito bawat humigit-kulang na apat na taon.
Hashing
Pagkasulukayang anyo ng “hash”.
Hot Wallet
Isang uri ng crypto wallet na konektado sa internet at madalas na nasa anyo ng isang app o ekstensiyon ng browser.
Immutable
Hindi nagbabago sa habang panahon o hindi pwedeng baguhin.
Incentivize/ing
Ang pagbigay ng gantimpala o insentibo.
Inflation/ Inflation Rate
Ang bilis ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin sa isang tiyak na haba ng panahon.
Intermediaries
Ang tagapamagitan na ginagamit para mapadali ang isang kasunduan.
Irreversible
Hindi maaring mabalik sa dati o baguhin.
J-L
Japanese Yen (JPY)
Opisyal na pera ng Japan.
Layer 2 Solution
Isang network na tumatakbo sa itaas ng isang base layer protocol kagaya ng Bitcoin.
Legal tender
Pera na dapat tinatanggap sa isang bansa kapag inalok/ginamit sa bayarin.
M-O
Mempool
Sa ingles ay pagpapaikli ng terminong “memory pool”, isang lugar kung saan iniimbak ang mga nakabinbin / nakabitin na mga transaksyon sa network.
Mined
(Mined/Nagmina) Pangnagdaan ng “mining”/pagmina.
Miner
Mga kompyuter kung saan tumatakbo ang Bitcoin client na tumutulong patunayan at itala ang mga nagaganap na transaksyon sa blockchain. Pwede ring tumutukoy sa mga taong namamahala sa mga Bitcoin mining hardware.
Mining
(Pag-mina) Pwede ring tumutukoy sa mga taong namamahala sa mga Bitcoin mining hardware
Minted
Proseso kung paano ginagawa/nililikha ang mga bagong “coins”.
Modernization
Ang proseso ng pag-aangkop ng mga bagay sa mga makabagong pangangailangan o mga ugali.
Money Supply
(Supply ng Pera) Dami ng pera sa ekonomiya.
NFT
Sa ingles ay pagpapaikli ng terminong “Non-fungible Token”, na isang crypto asset na nag-iisa lamang, at nakaimbak sa blockchain.
Nonce
Sa ingles ay pagpapaikli ng terminong “Number Used Once”, numero na isang beses lang ang gamit na makakatulong sa mga Bitcoin cryptographic functions.
P-R
Philippine Peso (PHP)
Opisyal na pera ng Pilipinas.
Private Key
Isang grupo ng mga random na mga numero at titik. Ito ay parang password sa inyong bank account. Hindi dapat ibahagi ito kahit na kanino man.
Public Address
Isang grupo ng mga random numero at titik na deribado galing sa public key. Ang public address ng wallet ay pareho sa numero ng bank account niyo na binibigay sa ibang tao kung gusto niyo makatanggap ng bitcoin. Hindi delikado ibahagi ito sa ibang tao.
Public Key
Isang grupo ng mga numero at titik na deribado mula sa private key. Ang public key ay ginagamit para i-buo ang public address ng inyong wallet. Hindi ito delikadong ibahagi sa ibang tao.
Profit
(Tubo) Ang halagang nakuha pagkatapos kaltasin ang mga ginastos sa kita.
Profitable
(Matubo) Ang pagkakaroon ng tubo.
Proof-of-Work
Ang sistemang pangkasunduan na ginagamit ng Bitcoin kung saan gumagastos ang mga mga Bitcoin miner ng oras at enerhiya para protektahan ang network.
Protocol
Ang protocol ng komunikasyon ay tumutukoy sa mga patakaran at proseso ng isang sistema. Pinapayagan nito ang pagpapadala ng impormasyon sa pagitan ng mga partido.
Pseudonym
Isang alias; isang pangalan na ginagamit ng isang tao o grupo ng tao sa halip ng totoo nilang pangalan.
Purchasing Power
(Kapangyarihan sa pagbili) Kapasidad na bumili ng dami ng produkto o serbisyo sa isang yunit ng pera.
Remittances
Pera na ipinadala sa ibang lugar, lokal o internasyonal.
S-U
Safe Haven
Isang lugar kung saan may oportunidad makatakas sa pinsala o peligro.
Satoshi Nakamoto
Ang walang nakakakilalang imbentor ng Bitcoin.
Seed Phrase
Isang serye ng mga salita na binuo ng inyong cryptocurrency wallet nagbibigay sa inyo ng access sa lahat ng crypto na nakaugnay sa wallet na iyun.
Scarce/Scarcity
(Kakupusan) Ang pagiging limitado sa supply.
Secure
(Protektado) Ang pagiging ligtas at protektado laban sa mga pag-atake.
Supply
(Suplay) Dami ng nilikhang mga produkto.
Tamper/ing
(Pakikialam) Ang pakikialam o paggawa ng pinsala sa isang bagay.
Target number
Ang criteria na dapat makamit ng mga Bitcoin miner para mapatunayan ang isang transaksyon.
Transparent
Ang pagiging bukas sa publiko na walang mga lihim.
Trustless
Kaanyuang hindi kailangan ng tiwala para gumana.
U.S. Dollar (USD)
Opisyal na pera ng Estados Unidos / United States.
Unbanked
Hindi pinaglilingkuran ng kahit na anong banko o institusyon pampinansyal.
Unpredictable
Hindi nahuhulaan.
V-Z
Verifiable
(Napapatunayan) Abilidad na maaaring suriin o ipakita na totoo, wasto, eksakto, at may katwiran.
Volatile/ Volatility
Mabilis magbagu-bago/mag-akyat baba ang presyo sa isang bigay na oras, hindi nahuhulaan.
Vulnerability
Kaanyuang nakalantad o nasa kapaligiran ng peligro.
Wallet
Crypto wallet kung saan iniimbak ang mga crypto currency.
Whitepaper
Isang hindi pormal na dokumento na isinulat para maipaliwanag ang isang produkto, solusyon, o serbisyo na inaalok.
0-9
51% Attack
Nangyayari pag may mga masasamang miner na kontrolado ang higit pa sa 50% ng Bitcoin mining network.
Hindi niyo mahanap ang kailangan ninyo dito? Ipadala sa amin at ida-dagdag namin!
Thank you! Your submission has been received!
Oops! Something went wrong while submitting the form.